Friday, May 3, 2024

Pagkansela ng 10 flights kada araw ngayong Mayo plano ng Cebu Pacific

- Advertisement -

Plano ng Cebu Pacific na magkansela pa ng hanggang sampung (10) flights kada araw para sa buong buwan ng Mayo.

Ito ang ipinabatid mismo ng airline company sa Philippine Stock Exchange para anila magbigay daan sa kanilang operational recovery.

Tiniyak naman ng Cebu Pacific na walang magiging malaking epekto sa kanilang business operations at kita ang planong pagbabawas ng tinatayang sampung flights mula sa apatnaraang (400) operational flights kada araw.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan na rin ng Cebu Pacific ang kinakailangang flight adjustments para naman sa Hunyo at sa mga susunod pang buwan.

Una nang kinansela ng Cebu Pacific ang mahigit apatnapung (40) flights nila noong Abril 28 hanggang 30 habang nag-anunsyo na rin sila ng 58 round trip flights simula ngayong araw hanggang Mayo 10.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img