31 C
Manila
Friday, December 8, 2023

Pagkakaisa sa pagpatupad ng kalinisan naisagawa ng kapulisan sa Baguio City

- Advertisement -

(Baguuio City) Nagsagawa ng paglilinis ang mga tauhan ng Baguio City Police Office at ang mga UB Criminology interns sa Kayang Street and Melvin Jones, Burnham Park, Baguio City Setyembre 21, 2023.

Ang naturang Gawain ay kasabay ng 10 point agenda ng City Director na “ENVIRONMENTAL POLICE” na naglalayong maging responsible sa kalikasan, sa kommunidad at maging bahagi ng kamalayan sa pangangalaga ng kalikasan.

Sa kaugnay na balita, ang mga opisyal at ang mga taong naglaan ng kanilang panahon mula sa barangay ng Camdas, Trancoville at Tabora, mga tauhan mula sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Army ay sumali sa pagdiririwang ng International Clean-up day noong nakaraang linggo upang magtanggal ng mga nakabarang mga basura, mga alambre bakod at mga kahoy na itinapon sa ilog ng Balili river. Samantala, pinangunahan ni City Environment and Parks Management Office – Environment Management Division (EMD-CEPMO) In-charge Engr. Sofronio Pascua ang mga tauhan nito upang hakutin ang mga kalat at mailagay ito sa tamang tapunan.

Ang mga lugar nasa kahabaan ng tulay ng Trancoville -Tabora bridge ay nalinisan ng mga bandang hapon na. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jim Bernabe)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -