Friday, May 10, 2024

Pagbisita ni Senadora Imee Marcos sa Baguio City sa kanyang kaarawan

- Advertisement -

Baguio City – Sinimulan ni Senadora Imee Marcos ang kanyang pagdiririwang ng kanyang kapanganakan sa Lungsod ng Baguio noong Biernes ng umaga. 

Ang senadora ang naghandog ng salo-salo sa senior citizens, mga bata, at maging sa iba pang nagdiririwang din ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Nobyembre sa Melvin Jones grounds dito sa Baguio.

Namigay din si Senadora Imee ng mga regalo, mga bulaklak, at cakes sa kanyang kasamang nagdiririwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Nobyembre. 

Nagbigay din siya ng Salo-salo o boodle fight sa mga dumalo doon sa football grounds.

Kinakitaan din ang naturang pagdiririwang ng isang Nutri-Jeep, kung saan ang senadora ay namahagi ng “nutribun” at mga laruan at ng iba pang mga regalo sa mga bata.

Muling ibinalik ni Senadora Imee ang Nutribun Feeding Program ng kanyang dating yamaong Ama na si  Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., upang tulungan ang  malnutrition sa bansa. 

Bumati rin si opisyal ng lungsod na sila Mayor Benjamin Magalong, Bise Mayor Faustino Olowan, Congressman Mark Go, mga Konsehal na si Betty Lourdes Tabanda at Elmer Datuin at ang Police Regional Office-Cordillera Regional Director na si Police Brig. Gen. David Peredo Jr., sa kanyang kaarawan.

Si Senador Imee Marcos is magiging 68 taong gulang na sa Nobyember a 12, ng taong ito.

Matapos ang naturang okasyon, agad siyang nagpunta sa San Juan, La Union upang makibahagi ng educational assistance sa mga nag aaral doon. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIA Cordillera)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -