Pagbabawal ng pagdadala ng mga liquid item sa LRT inalis na

0
52

Inalis na ng pamunuan ng LRT-1 ang pagbabawal sa mga liquid item na maipasok sa tren.

Sinabi ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na epektibo ngayong araw na ito ang lifting ng ban sa mga bottled water at iba pang drinks.

Magugunitang ipinatupad ang ban sa liquid items sa LRT-1, LRT-2 at MRT-3 bilang bahagi nang pinaigting na seguridad matapos ang Jolo Cathedral bombing.

Nananatili namang pinapayagan ng MRT-3 ang mga liquid item na ang sukat ay 100ml lang at pababa.

—-