Pagadian: Modular Tents, Handog Ng DPWH IX Sa Mga Biktima Ng Sunog Kamakailan

0
211

Region 9 – Namigay ng modular tents at kitchen kits ang DSWD Field Office IX sa tulong ng CSWDO Zamboanga, kahapon, ika-15 ng Oktubre, 2021 sa 523 pamilyang nasunugan sa Barangay Recodo, Zamboanga City noong nakaraang Miyerkules.

Ang naturang aktibidad ay kasabay ng pagbibigay ng bigas at galong pangtubig ng lokal na gobyerno sa pangunguna ng Alkalde ng Zamboanga, Maria Isabelle Climaco-Salazar katuwang ang Assistant Regional Director for Operations, Fatima Caminan at ilang kawani ng DSWD FO IX.

Maliban sa mga nabanggit na relief items, nag-abot din ng kagamitang panluto, twalya, at kulambo ang ahensya noong Huwebes bilang paunang asistensya sa mga biktima.

Samantala, patuloy ang pagdasa ng tulong mula sa lokal na gobyerno at ilang organisasyon.

Ang modular tents ay masisilbing pansamantalang tirahan at ligtas na espasyo para sa mga apektadong pamilya, lalo na sa mga bata, matatanda, at kababaihan.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DSWD at lokal na gobyerno sa para mag-abot ng karagdagang tulong para sa mga apetakdong pamilya.

(News & photos courtesy of DSWD Office Region 9)

Leave a Reply