25.3 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

General Santos: P25M total salary ni RCR, ‘donated’ sa education sector

- Advertisement -

GENERAL SANTOS CITY – Sa loob ng mahigit isang dekada na paninilbihan bilang public servant, hindi umano tumanggap ng kaniyang sahod si City Mayor Ronnel Rivera.

Ayon sa kampo ng alkalde, simula taong 2009 nang mahalal ito bilang konsehal ng lungsod, minabuti na umano ng opisyal na ilaan ang kaniyang buwanang sahod sa iba’t ibang Parent-Teacher Associations at pagsagot sa pangangailangan ng mga paaralan.

Sa kabuuan, umaabot sa mahigit P25-million na monthly salary ng local chief executive ang naibahagi nito sa pagtaguyod sa sektor ng edukasyon sa lungsod.

“Sa kasamtangan, anaa na sa kapin P25 million ang kinatibuk-an nga sweldo ni Mayor ang nadonate niini alang sa edukasyon sa mga bata ug pagtabang sa mga eskwelahan,” ang bahagi ng media release ng kampo ng opisyal.

Kamakailan lamang, ginawaran si Rivera sa pangalawang pagkakataon nang pagkilala bilang Most Outstanding City Mayor in the Highly Urbanized Cities Category sa ginanap na 2021 Gawad Parangal Awards.

(Source: Balita Online Philippines)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -