Operasyon ng mga tren tuloy-tuloy ayon sa DOTr

0
63

Pumalo na sa kabuuang 15,758,123 ang bilang ng ridership ng apat ng rail lines sa bansa.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito’y makaraang magbalik-operasyon ang mga tren nang pairalin na ang general community quarantine (GCQ) sa NCR.

Kasabay nito, iginiit ng pamunuan ng DOTr, na tuloy-tuloy na ang operasyon ng mga rail lines sa bansa sa pamamagitan ng partial, gradual approach at ilang mga ipinatutupad na safety measures kontra COVID-19.