Monday, May 6, 2024

‘Ninja-style’ headbands ipagbabawal na ng NBA

- Advertisement -

Ipagbabawal na ng NBA ang pagsusuot ng “ninja-style” na headbands ng mga manlalaro sa susunod na season.

Ang nasabing headband na sinimulang suotin noong nakaraang season ay isang tela na nilalagay sa ulo ng mga players at nakatali sa likod kung saan nakalaylay lamang ang dalawang dulo nito.

Batay sa ipinalabas na pahayag ni NBA Spokesman Mike Bass sa ESPN, hindi bahagi ng uniporme ng NBA ang ninja style headband at hindi rin dumaan sa proseso para maaprubahan ang pagsusuot nito.

Aniya, ilang mga koponan ang nagpahayag ng pagkabahala kaugnay sa kaligtasan sa pagsusuot ng nasabing headwear.

Gayundin sa sukat, haba at paraan ng pagsusuot nito na kinakailangan pang isailalim sa pag-aaral kung tuluyang ikukunsidera bilang bahagi ng uniporme batay na rin sa sinusunod na regulasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img