Monday, April 29, 2024

Navotas City Fishport isinailalim sa disinfection, pansamantalang isasara

- Advertisement -

Pansamantalang isasara ang market hall sa Navotas Fish Port simula ala una ng hapon ng Sabado Agosto 1 hanggang ala una ng hapon sa Linggo, Agosto 2.

Ito ay para magbigay daan sa isinasagawang general cleaning at disinfection sa nabanggit na Fish Port kada buwan.

Kasunod nito, hinihimok ng Navotas City Fish Port Management ang mga nagtitinda na lumahok sa aktibidad at linisin ang kanilang mga stalls.

Batay sa pinakahuling tala sa Navotas City, umaabot na sa 1,898 ang kumpiradong kaso ng COVID-19 sa lungod kung saan 900 na ang gumaling habang 93 ang nasawi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -