Monday, May 13, 2024

Nagpalabas ng babala ang lungsod ng Baguio ukol sa pagtaas ng kaso ng trangkaso

- Advertisement -

Baguio City – May mga 6,596 kaso ng influenza sa mga mag aaral ng elementarya at high school ang napa ulat dito sa ating lungsod.

Kasabay nito, Nag utos si Mayor Benjamin Magalong sa mga magulang na ipatingin nila ang kanilang anak sa doctor sandaling magkaroon sila ng symtomas ng influenza, at huwag papasukin sa paaralan at kanila ring ipagbigay alam ito sa kanilang guro.

Nagbigay din ng kautusan si Mayor Magalong sa Health Services Officer – City Epidemiology Surveillance Unit (HSO-CESU) kay Dr. Donnabel Tubera-Panes na nagbigay ng datos sa punong ehekutibo.  

Samantala, iniulat ni Department of Education (Dep-Ed) Medical Officer Roger Sinot, Jr., na may mga mag aaral na nagkasakit ng flu, simula noong nakaraang buwan at hanggang sa ngayon.  

Idinagdag ni Dr. Sinot, Jr. na Kanyang napansin na ang mga hospital pediatric wards ay puno ng mga bata at maging ng mga kabataan dahil na rin sa nasabing sakit. 

Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng Influenza, ayon kay Dr. Panes, ay kung ang maysakit ay may lagnat o Fever/chills, ubo, sore throat, runny/stuffy nose, may sakit sa ulo, masasakit ang katawan, nakaramdam ng pagod at sa mga bata, nasusuka.  Ito ang ilan sa mga simtomas nararamdaman ng mga bata.  

Kasabay nito ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) nagbabala sa publiko laban sa karamdaman sa paghinga habang paparating ng panahon ng taglamig, ito ang iniulat ni City Epidemiology and Surveillance Unit o ang pinuno ng CESU na si Dr. Donnabel T. Panes sa Ugnayan Panlungsod sa pagtaas ng influenza-like illness (ILI) sa nakaraang apat na linggo.  

Kanyang inilarawan na ang ILI o ang influenza like illness ay senyales ng lagnat, pagkapagod, pag ubo at ang pagkakaroon ng sore throat.

Kanya ring iniulat na mula sa panahon ng augusto hang Septiyembre, ang kabuang bilang ng mga tinanggap na kaso ng Pneumonia sa mga ospital ay tumaas 84 percent, mula 134 sa buwan ng August hangang sa 246 sa buwang ng Septyembre. (Joel Cervantes/Jimmy Bernabe, photo courtesy of LGU Baguio City)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -