Nadine Lustre pinasalamatan ang Gawad Urian sa nakuhang Best Actress Award

0
57

Sumulat ng isang emotinal letter ang aktres na si Nadine Lustre para pasalamatan ang gawad urian na nagbigay ng parangal sa kanyang bilang Best Actress sa kanyang pelikulang never not love you.

Sa kanyang Instagram Post, ibinahagi ng 25 anyos na aktres kung paano nakatulong ang napanalunang award para maunawaan ang kanyang purpose sa buhay.

Kwento ni Nadine, hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan bago marating at makamit ang kanyang mga pangarap.

May panahon aniyang nagdududa siya, nawawalan ng pagasa at natatakot na mabigo.

Nakalagpasan niya aniya ito hanggang may magturo sa kanya ng isang magandang aral sa buhay.