Mga Uuwi Sa Lungsod Ng Iriga Kailangan Dumaan Sa Triage

    0
    105

    Iriga City – Inabisuhan ng Pamahalaang Lungsod ng Iriga ang mga uuwing kababayan na kailangan parin silang dumaan sa triage ng City LGU.

    Ito ang napag-alaman mula kay Peter Lagyap, Public Information Officer ng Iriga City Government.

    Ayon pa kay Lagyap, kahit na mag-Negatibo sa Rapid Antigen Test ang mga LSI at Returning Residents sa Del Gallego border, ay obligado parin aniya ang mga ito na sumalang sa symptoms screening na naroon sa likod ng City Hall.

    Kahit pa ang mga may negative RT-PCR result ay kailangan paring dumaan sa kanilang triage.

    Dagdag pa nito, na ang mga makikitaan ng sintomas maging ang mga sumalang sa swab test ng Provincial EOC matapos mag positibo sa Rapid test sa Del Gallego, ay dadalhin sa kanilang Quarantine Facility habang naghihintay ng resulta ng pagsusuri.

    Samantala, sinabi ni Lagyap na walang katotohanan ang napabalita sa Social Media na magpapatupad sila ng lockdown.

    Aniya, mahigpit parin naman ang pagpapasunod ng Minimum Health Standards at normal pa naman aniya ang lahat ng transaksyon sa lungsod.

    Malayo at ni-hindi sumagi sa isip ng Pamahalaang Panlungsod ang lockdown dahil wala naman aniyang pangangailangan upang ipatupad ito.

    (Source: Interview with Peter Lagyap | Public Information Office – LGU Iriga City)

    Leave a Reply