30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Mga sugatang sundalo sa Basilan blast binigyang parangal ni Duterte

- Advertisement -

Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu ang mga sugatang biktima sa pagsabog sa Lamitan City, Basilan na ikinasawi naman ng sampu katao.

Personal na binisita ni Pangulong Duterte ang anim na sundalo at tatlong miyembro ng civilian active auxiliary na kasalukuyang nagpapagaling sa Camp Navarro General Hospital.

Ang Order of Lapu-Lapu ay ibinibigay para sa hindi matatawarang serbisyo ng mga kawani ng pamahalaan na nasugatan habang tinutupad ang kanilang tungkulin.

Kasabay nito, binigyan din ni Pangulong Duterte ng pinansyal na tulong ang pamilya ng mga nasugatang sundalo at CAA members.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -