Friday, May 17, 2024

Mga pulis tutulong lamang sa mga pagsundo ng mga COVID-19 positive na nasa bahay — Eleazar

- Advertisement -

Nilinaw ng Joint Task Force on COVID-19 na tutulong lamang ang mga pulis at hindi mangunguna sa pagsundo ng mga COVID-19 positive na naka home quarantine.

Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Joint Task Force on COVID-19 Commander, General Guillermo Eleazar na mag-aantay sila ng direktiba mula sa mga local government units na mangangailangan ng kanilang assistance.

Matatandaan na marami ang na alarma sa ulat na magba bahay bahay ang otoridad upang kunin ang mga COVID-19 positive sa mga bahay na walang kapasidad para mag home quarantine upang dalhin sa mga quarantine facilities ng pamahalaan.

Ito ay efforts ng government through the local task force against COVID-19 at ang pulis lamang ay tutulong magpatupad, ibig sabihin sa pag-ikot itong ating mga government concerned officials ay ang purpose naman dun ay mailipat nga doon sa mga lugar kung saan pwede sila maasikaso rather na mag-stay sila sa kanilang bahay na pwede silang makahawa,” ani Eleazar. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -