Mga publiko dapat sumunod sa health protocols kahit pa binawi na ang quarantine restrictions —Eleazar

Mga publiko dapat sumunod sa health protocols kahit pa binawi na ang quarantine restrictions —Eleazar

by Powered by DWIZ
29 views

Sumunod sa ipinatutupad na protocols ng mga awtoridad kahit pa binawi na ang quarantine restrictions!

Ito ang panawagan ni Joint Task Force COVID Shield Commander, Police Lieutenant General Guillermo Lorenzo Eleazar sa publiko, partikular sa mga gusto nang umuwi sa kani-kanilang bayan.

Giit ni Eleazar, dapat pa ring tumalima sa mga alituntunin ang mga tinatawag na Locally Stranded Individuals (LSIs) upang hindi maabala lalo na kapag hindi nakalusot sa Quarantine Control Points (QCPs).

Ayon kay Eleazar, hindi dapat gawing clearance ng mga LSIs ang pag-alis ng gobyerno sa quarantine restrictions para makauwi sila sa kani-kanilang mga lugar.

Kasabay nito, nanawagan din ang opisyal sa mga media at social media influencers na tumulong sa pamamahagi ng impormasyon ukol sa mga alituntunin kung paano makakakuha ng travel authority ang mga apektadong mamamayan.

0 comment

Related Posts