Mga paaralang nagsuspinde ng klase dahil sa bagyo, holiday posibleng magsagawa ng makeup class

0
50

Posibleng magsagawa ng makeup classes ang mga paaralang nagsuspinde ng klase dahil sa masamang panahon o di kaya naman ay holiday.

Ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, batay sa kanilang calendar, kinakailangang may minimum na 200 days na klase ang mga bata kada school year.

Aniya, may allowance naman silang anim (6) hanggang sampung (10)araw na tinatawag na buffer days at inilalaan sa mga panahon ng sakuna, biglaang kanselasyon ng klase at iba pa.

Sakaling lumampas na ang bilang ng mga suspensiyon ng klase ay kinakailangan nang magsagawa ng makeup classes upang mabawi ang mga araw na wala silang pasok.

Matatandaang tatlong (3) holidays ang ipinagdiwang ngayong Agosto dagdag pa ang ilang araw na kanselasyon ng klase dahil sa bagyo.