Radio Philippines Network
DXDX GenSan News Provincial News

Mga paaralan sa Gensan mas hinigpitan ang seguridad laban sa banta ng terorismo

Bantay sarado ng awtoridad ang mga pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ito ay dahil sa posibleng masamang banta ng mga teroristang grupo na maaring manabotahe. Inihayag ni Joint Task Force Commander Col. Adonis Bajao na kinokonsidera nila ang mga paaralan na maaring punteryahin ng mga teroristang grupo kung saan hindi malayong magsagawa sila ng recruitment na magiging bagong miyembro sa grupo dahilan upang magsasagawa ng peace education system ang isang uniberisdad sa lungsod ang Mindanano State University.

Sa pag-amin ng opisyal, nakaalerto pa rin ang lungsod lalo na nalalapit na ang selebrasyon ng 20th Tuna Festival sa lungsod, kung matatandaan natagpuan sa Koronadal City ang isang improvised explosive device na iniwan sa baggage counter ng isang shopping center sa lungsod kasabay ang pagdiriwang ng folklore festival.

Related posts

Naboc River Rehabilitation Continues

RPN

Pondong 2.4M para sa purenarya ng syudad pending

RPN News

Pimmusay Ti Maysa A Menor De Edad Sadiay Ili Ti Banna Kalpasan A Nagbekkel

RPN