Mga nangungunang NBA player para sa NBA All-Star Game pinangalanan

0
23

Nangunguna sina Dallas Mavericks star Luka Doncic at kasalukuyang Most Valuable Player (MVP) Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks sa ginagnap na botohan para sa NBA All-Star Game.

Ayon sa kasalukuyang ranggo ng mga manlalaro sa NBA, si Doncic ang nasa no. 1 spot para sa Western Conference at si Antetokounmpo naman para sa East.

Magtatapos ang botohan sa ika-20 ng Enero at malalaman ang resulta sa ika-23 ng Enero.

Magugunitang ang ginagawang botohan ang magdedetermina kung sino ang magiging mga team captain at starters para sa 2020 NBA All-Star Game na gaganapin sa ika-16 ng Pebrero.