Mga nakabinbing prangkisa ng TNVS pinaaaprubahan na sa LTFRB

0
36

Pina-a-apura ng DOTR o Department Of Transportation sa LTFRB o Land Transportation Franchising And Regulatory Board ang pag-apruba nito sa aplikasyon ng mga TNVS o Transport Network Vehicle Services

Ito’y ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade ay bunsod na rin ng naging kautusan ng Anti-Red Tape Authority o ARTA

Dahil dito, inatasan ni Tugade si DOTR Usec for Land Transportation Mark De Leon at LTFRB Chair Martin Delgra na ubusin na ang mga nakabinbing aplikasyon ng TNVS Franchise

Batay sa datos, aabot sa limang libo at animnapu’t isang Certificate of Public Convenience ang inilabas ng LTFRB

Habang aabot naman sa mahigit 46 na libo ang inilabas nilang Provisional Authorities buhat nito lamang Agosto 14 ng taong kasalukuyan