36.1 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Mga mild, asymptomatic COVID-19 patients tumatangging ilipat sa isolation, treatment facilities — PHAPI

- Advertisement -

Tumatanggi ang karamihan sa mga mild at asymptomatic coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients na mailipat isolation at treatment facilities na itinakda ng pamahalaan.

Ito’y ayon sa Private Hospital Association of the Philippines (PHAPI) kaugnay ng naging pahayag ng Department of Health (DOH) na dapat na i-transfer na lamang sa mga pasilidad ng gobyerno ang mga na nabanggit na pasyente.

Ayon kay Dr. Rustico Jimenez, mas pinipili kasi ng mga pasyente na ma-admit sa mga pribadong ospital.

Ito anya ay dahil sa pangamba ng mga pasyente dahil malayo ang mga itinakdang pasilidad ng pamahalaan.

Sa ngayon, sinabi ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na nasa  25% pa lamang ang occupancy rate ng mga quarantine facilities na pinangangasiwaan ng mga LGU’s, habang 38% naman sa mga quarantine facilities na pinangangasiwaan ng national government.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -