Saturday, May 4, 2024

Mga magsasaka sa Nueva Ecija umaaray sa bagsak presyo ng palay

- Advertisement -

Umaaray na ang mga magsasaka sa Nueva Ecija matapos bumagsak sa 7 hanggang 8 pesos kada kilo ang presyo ng palay sa lalawigan.

Mula naman ito sa dating 17 hanggang 18 pesos kada kilo noong 2017 o katumbas ng 60 porsyentong pagkalugi ng mga magsasaka.

Ayon sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), ang pagsadsad sa presyo ng palay ay bunsod ng pagbaha ng mga imported rice kasunod ng pagsasabatas sa rice tarrification law.

Sa kabila naman anila nito, hindi pa rin gumagalaw ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Maliban sa Nueva Ecija, nagpapasaklolo na rin ang lokal na pamahalaan ng Isabela dahil din sa bagsak presyo ng palay sa lalawigan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img