Mga kadete ng PMA na nakitaan ng mga marka nang pangmamaltrato, nasa maayos na kalagayan matapos ang physical examinations — Brawner

0
14

Marami pang mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA) ang na-ospital at nadiskubreng may mga marka sa kanilang katawan matapos sumalang sa physical examinations ang mga ito.

Ipinabatid ito ni PMA Commandant of Cadets Brigadier General Romeo Brawner kung saan nakita ang mga markang posibleng biktima nang pangmamaltrato ang mga nasabing plebo.

Tiniyak naman ni Brawner na lahat ng mga kadete na nakitaan ng marka sa katawan ay nasa maayos na kalagayan bagamat hindi nito tinukoy kung ilan ang mga nasabing biktima.

Ipinabatid pa ni Brawner na iimbestigahan na rin ng PMA ang ilang nakakulong na upperclassmen na may kaugnayan sa insidente.

Umalma naman si Brawner sa sinasabing pang karaniwan na ang hazing sa PMA dahil mahigpit aniyang ipinagbabawal ang nasabing hakbanging sa loob ng akademya. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)