Mga empleyado ng Jollibee Foods Corporation makakatanggap ng buong sahod, 13th month pay

0
21

Makakatanggap pa rin ng isang buong buwang sahod at 13th month pay ang mga empleyado ng Jollibee Foods Corporation.

Ito’y sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa COVID-19.

Ayon sa pamunuan ng Jollibee, naglaan sila ng P1-B para mabayaran pa rin ang kanilang empleyado na apektado ng quarantine.

Sakop umano ng nasabing emergency response fund ang lahat ng empleyado mula sa mga opisina, stores, commissaries at logistics centers.

Kabilang din dito umano ang mga senior citizen at PWD na kanilang empleyado sa ilalim ng joint employment program katuwang ang LGU.