Metro Manila naka heightened alert status pa rin

0
62

Nanatili pa ring nakataas ang heightened alert status ng NCRPO o National Capital Region Police Office.

Ayon kay NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, hindi pa rin inaalis ang heightened alert status sa Metro Manila kahit walang natatanggap na anumang banta sa seguridad.

Iginiit pa ni Eleazar, hindi maaaring maipagsawalang bahala ang nangyaring pagsabog sa Basilan at mas makabubuti aniya kung nakahanda ang pulisya.

Dagdag ni Eleazar, partikular na tinututukan ng NCRPO ang mga matataong lugar tulad ng mall at mga daanan papasok at palabas ng

Metro Manila tulad ng mga pantalan, paliparan at bus terminal.

Bukod dito, hindi rin isinasantabi ng NCRPO ang espekulasyon ng Armed Forces of the Philippines na posibleng kaso ng suicide bombing ang nangyari sa Basilan.