Mapasisimulan na sa Nobyembre ang operasyon ng pinakamalaking quarantine facility sa Metro Manila.
Ito ay matapos na isagawa ang ceremonial turnover ng Solaire-PAGCOR Mega Quarantine facility sa Bagong Nayong Pilipino sa Paranaque City kahapon.
Ito na ang pinakamalaking quarantine facility sa bansa kung saan mayroon itong 600 bed capacity at nagkakahalaga ng P220M na ginawa sa loob lamang ng 5 linggo.
Binubuo rin ito ng 8 malalaking tents na may 75 limang mga kama kada tent.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tatanggapin sa naturang mega quarantine facility ang lahat ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na pawang mild at asymptomatic, mga pasyenteng nirefer ng Local Government Units at 1 Hospital Command Center.
Aniya, mahigpit namang ipagbabawal dito ang walk-in kung kayat mas mainam na makipag ugnayan muna sa LGU o di kaya’y sa 1 Hospital Command Center.