Monday, May 13, 2024

Mayor Benjie Magalong nagpasalamat sa mga nagreport sa mga substandard projects sa lungsod ng Baguio

- Advertisement -

Baguio City – Nagpasalamat si Mayor Benjamin Magalong sa mga taga baguio nagsisilbing bilang  tagamasid laban sa mga  substandard projects sa kanilang mga barangay.

Kasabay nito ang panghihikayat ni Magalong sa mga mamamayan na sundan nila ang yapak ng ibang mamamayan na tumulong sa lungsod para maiwasan ang mababang klase na mga proyekto na hindi naman anya tumutugon sa pangangailangan ng Baguio at naglalagay pa sa paglustay ng pera ng pamahalaan. 

Kamakailan lamang, isang taga Baguio ang tumawag sa atensyon ng Mayor tungkol sa may depektong hagdanan na isinasagawa sa Pinget barangay.

Muli, nanawagan ang Ama ng Lungsod sa mga kontraktor at ang mga nagsasagawang ahensiya na gawin ang lahat ng mga proyekto na may mataas ang kalidad upang makinabang ang mga mamamayan ng tama. Anya ang mga ito ay pera ng taong bayan kaya hindi natin dapat pabayaan yan. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -