May-ari ng van na ginamit sa pagsabog sa Basilan tukoy na

0
57

Palalakasin pa ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang kanilang focused military operations laban sa mga terorista sa Mindanao.

Iyan ang tiniyak ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo kasunod ng nangyaring pagsabog sa Lamitan City sa Basilan noong Martes.

Ayon kay Arevalo, tukoy na nila kung sino ang may-ari ng kulay puting van na siyang ginamit sa pagsabog na ikinasawi ng sampu kabilang na ang driver/suspek.

Ibinunyag naman ni ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Mujiv Hataman na isang pulis umano ang nakabili ng naturang van mula sa isang lokal na opisyal sa Basilan.

Samantala, inihayag sa DWIZ ni Hataman na malabo ang pinalulutang ng ilang lokal na terorista ang siyang may pakana ng nasabing insidente.

“Darating ang panahon na sasabihin nila na suicide bomber. Ako, I’am 101% sure na hindi pa ito local. Baka may mga nakapuslit noong Marawi , baka yun pa pero yung sabihin local parang ang layo ng posibilidad kasi ito namang si ano talagang mukhang pagkabata andyan na yung buhay niya sa loob ng Abu Sayaff  at ito ang tingin ko kasi karamihan narin sa tao nila talagang nagbabalik loob sa gobyerno kaya ang tingin ko out of ano, marunong gumawa ng bomba like before mapansin mo may mga ambush pero for many years wala nang ambush ambush dito sa Zamboanga eh.”

Minaliit din ni Hataman na may kinalaman sa kalalagda pa lamang na Bangsamoro Organic Law ang naturang insidente kahit pa batid ng marami na tinututulan ito ng mga grupo sa Mindanao na nagnanais magtatag ng sariling gobyerno.

“Tingin ko ang mga yan ay agam agam lang ng ilan na ayaw gustong sakyan lang yung sitwasyon pero sa amin naman ho, malinaw sa amin na yung Abu Sayaff, yung ilang myembro ng BIFF na medyo link doon sa extremism, talagang ayaw nila rito kasi ang gusto nilang itatag isang pure na Islamic state kuno na independent na alam nating ang hirap non sa Pilipinas, eh kung itong BOL nga, pinalitan nalang ang BBL into BOL kasi maraming hindi nakakaunawa doon sa real situation.”

(From Sapol interview)