Mariel nagsilang na sa ikalawa nilang anak ni Robin Padilla

Mariel nagsilang na sa ikalawa nilang anak ni Robin Padilla

by Powered by DWIZ
29 views

Nanganak na si Mariel Rodriguez-Padilla sa kanilang pangalawang anak ni Robin Padilla kahapon araw ng Sabado November 17.

Ibinahagi ni Robin ang litrato ni Mariel matapos itong manganak sa United States at may caption pa itong “today Maria Gabriela de Padilla was born, god is great!”

Ipinanganak ni Mariel si Gabriela, 2 araw lamang ang pagitan sa ikatlong kaarawan ng kanilang panganay na anak na si Isabella.

Samantala, matatandaang parehong lugar at parehong damit rin ang ginamit ni Mariel sa kanyang unang panganganak kay Isabella Padilla.

0 comment

Related Posts