Friday, May 3, 2024

Mandaluyong LGU nangangambang isailalim sa GCQ ang lungsod

- Advertisement -

Mayroong agam-agam ang Mandaluyong City na buksan ang syudad sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

Ayon kay Jimmy Isidro, tigapagsalita ni Mandaluyong City Mayor Menchi Abalos, halos 400,000 lamang ang papulasyon ng Mandaluyong subalit umaabot sa halos isa at kalahating milyon ang tao sa syudad kapag mayroong pasok sa mga tanggapan at bukas na ang mga business establishments.

Nangangamba anya ang kanilang alkalde na masayang ang halos dalawang buwang quarantine kung lilipat na sa GCQ ang NCR.

Gayunman, sinabi ni Isidro na tulad ng iba pang alkalde sa NCR, kinikilala nila na kailangan na ring gumalaw ang ekonomiya sa NCR.

Hindi mo pupwedeng i-GCQ o ECQ, ECQ to GCQ ang isang city sa Metro Manila kasi parang chain yan, parang kadena yan hindi pwedeng hiwa-hiwalay ang Metro Manila so, kung i-ECQ mo dapat ECQ lahat, kung i-GCQ mo, GCQ mo lahat. Yung nilagay nilang pangatlong proposal kung i-GCQ, bigyan ng authority ang bawat city na i-lockdown ang kanya-kanyang barangay kung nakita nilang marami para mas maituloy-tuloy lang yung mass testing,” ani Isidro.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img