Monday, May 6, 2024

Malakanyang nananatili ang kumpiyansa kay Dar —Panelo

- Advertisement -

Buo pa rin ang tiwala ng Malacañang kay Agriculture Secretary William Dar.

Kaugnay ito ng panibagong kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Pangasinan matapos ipagmalaki ng Department of Agriculture (DA) na kontrolado na nila ang kaso ng ASF sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kumpiyansa pa rin sila na contained na ang kaso ng ASF sa Pilipinas, at sapat pa rin ang hakbang na ipinapatupad ng DA upang hindi na ito lumaganap pa sa ibang parte ng bansa.

I’m sure that the secretary of Agriculture is competent enough to handle this situation,” ani Panelo.

Una rito, tiniyak naman ni Dar na patuloy ang monitoring nila sa mga lugar na apektado ng naturang sakit.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img