28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Luxury cruise ships interesadong bumisita sa pagbubukas ng Boracay

- Advertisement -

Lima hanggang walong cruise ships ang interesadong bumisita sa Boracay kapag nagbukas na ito sa October 26.

Kabilang sa mga cruise ship na ito ayon kay Tourism Regional Director Helen Catalbas ang Royal Caribbean Cruises, Star Cruises at Celebrity Cruises.

Sinabi ni Catalbas na ang mga naturang luxury liner ay may sakay na isanlibo (1,000) hanggang halos limang libo (5,000) crew at mga turista.

Bago isinara ang Boracay noong April 26 para sa rehabilitation works, apat na cruise ships ang bumisita sa isla noong Enero at tatlo naman noong Pebrero.

Samantala, mula sa pagiging party place, plano ng DOT Region 6 na gawing family oriented na lamang ang isla.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -