35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Lungsod ng Baguio, walang naitalang krimen sa kasagsagan ng parada ng Baguio Flower Festival 2023

- Advertisement -

Baguio City – Nanatiling matiwasay ang lungsod ng Baguio habang isinasagawa ang Grand Street Dance at Grand Float Parade.

Ito ay ayon kay Baguio City Police Office Director, Police Colonel Francisco Bulwayan Jr., wala umanong nangyaring krimen sa sentro ng lungsod o central business district at maging sa mga residential na lugar.

Sinabi rin niya na walang naiulat sa kanila na petty crimes o maliliit na krimen tulad ng pagnanakaw, pagdukot ng cell phone o mahahalagang bagay at iba pang pangyayari habang nagaganap ang parada.

Dahil dito, pinasalamatan niya ang kanyang mga tauhan at ganon din ang tumulong upang mapanatili ang mapayapa at katiwasayan sa panahon ng parade. Naniniwala siya na mahigit kumulang sa 70, 000 katao ang dumalo at sumaksi sa Grand Street Dance at Grand Float Parade.

Matagumpay na pagsasagawa ng Grand Float Parade sa lungsod ng Baguio, pinasalamatan ni Mayor Benjamin Magalong. Nagpasalamat si City Mayor Benjamin Magalong sa lahat ng dumalo at sumaksi sa Panagbenga Grand Float parade noong linggo, Pebrero a 26, 2023.

Kanya ring pinasalamatan ang lahat ng nagbigay ng kanilang iti kontribusyon sa matagumpay na gawain. Sa kanyang mensahe, kanyang binigyang diin ang mga makukulay na float at hindi lamang ito nagpapakita ng kagandahan kundi ang larawan ng kagalakan at ang pagkakaisa.

Kanyang idinagdag na naging simbolo rin ito ng pagkikipaugnayan sa kalikasan ganon din ang pangako na magsilbi at pangalagaan ang susunod na henerasyon. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -