Lungsod ng Baguio plano na magtayo pa ng mga satellite market

0
12

Baguio City – Ang Lungsod ng Baguio ay hinahangan pa rin na magtayo pa ng mga Satellite Markets. Ito inihayag ng Lokal na konseho sa nakaraan nitong session.

Sa katunayan, ang nais nitong palakasin ang kasalukuyang mga satellite markets at ang pagtatayo pa ng mga karagdagang Satellite markets at ang pagbibigay ng pondo upang maisagawa ito. 

Ang panukalang batas na akda ni Konsehal Leandro B. Yangot, na pinagtibay na ng konseho ay nag uutos sa City Planning and Development Office na humanap ng lugar kung saan ang mga karagdagang satellite markets ay maipapatayo kung saan wala pa ang mga ito.

Habang ang City Building and Architecture Office inutusan na maghanda ng pare parehong desinyo ng panukalang district satellite markets na itatayo sa mga stratehekong lugar sa lungsod ng Baguio.  Ito’y lagyan ng pundo at ito ay magiging bahagi ng development sa siudad ng Baguio. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

 

Leave a Reply