Baguio City – Mainit na tinanggap ng lokal na opisyal ng Baguio ang ikatlong Obispo ng Diocese of Baguio na walang iba kundi si Monsenyor Rafael T. Cruz bilang ikatlong Obispo ng Diocese of Baguio.
Kasabay din nito, nagpahayag ang mga opisyal ng lungsod ng Baguio ng pagsuporta at pagtanggap sa kanya bilang bagong miyembro ng pamilya ng lungsod ng Baguio. Si Cruz ay ipinanganak noong Marso a 12, taong 1960 sa Mapandan, Pangasinan at siya ang kasalukuyang kura paroko ng Ildephonse Parish sa Poblacion, Malasiki, Pangasinan.
Si Cruz ay naordinahan bilang pari noong Septembre taong 1985 at naging kura paroko ng St. Peter at St. Paul sa Calasiao, Pangasinan mula taong 1985 hangang taong 1987.
Mula taong 2011 hangang taong 2018, Si Cruz ay naging spiritual director at guro sa Mary Health of Christians High School Seminary sa Binmaley, Pangasinan at sa Mary Health of Christians College Seminary sa Dagupan City.Simula noong taong 2022.
Siya rin ay miyembro ng Permanent Committee for the Protection of Minors ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Itinalaga ni Pope Francis si Cruz bilang ikatlong Obispo ng Diocese of Baguio noong Hunyo 20, na kanyang pinalitan si Monsenyor Victor Bendico.
Si Monsenyor Cruz ay opisyal na itatalaga bilang Opispo ng Baguio sa Septembre 17, 2024 sa Our Lady of Atonement o mas kilala bilang Baguio Cathedral. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)
(Source: PIO-Baguio)