Nag anunsyo ng libreng sakay ang Light Rail Transit Authority (LRT) para sa Disyembre 30 sa paggugunita ng bansa sa ika-123rd anibersaryo ng kamatayan ng pambansang bayani na si Jose Rizal.
Batay sa abiso ng LRTA, alas 7:00 hanggang alas 9:00 ng umaga at alas 5:00 ng hapon hanggang ala 7:00 ng gabi ang oras ng libreng sakay.
Samantala, nananatili namang sarado ang mga istasyon sa Anonas, Katipunan at Santolan bunsod ng nasunog na rectifiers nakaraang buwan ng Oktubre.