Long Delayed Road Project Sa Doña Soledad Subd., Muling Matetengga

0
281

General Santos City – Ibinalik ng General Santos City Council sa Sangguniang Barangay ng Brgy. Labangal ang naaprubahang barangay resolution kaugnay sa inihihirit na deed of conditional donation sa planong pagpapa-semento sa matagal nang inirereklamong lubak na bahagi ng kalsada sa Doña Soledad Subdivision.

Ipinaliwanag ni SP-Committee on Rules & Review of Barangay Ordinances & Executive Orders chair, Councilor Jose Edmar Yumang, na sa kabila nang inaprubahang Barangay Resolution No. 49, hindi pa umano alam ng mismong donor o may-ari ng lupa ang naturang intensyon ng barangay council.

Nagkamali din umano ang barangay sa “description” ng lupang tinutukoy sa nabanggit na resolusyon.

Batay sa Barangay Resolution No. 49, binibigyan nito ng kapangyarihan ang barangay na pumasok sa isang kasunduan sa pagitan ni Rodrigo M. Olarte Sr., para mai-donate nito ang nasa 8,000 square meter parcel of land at mapaayos ang kalsada.

“Subalit noong ating pagdinig, inimbitahan natin ang donor, na si Rodrigo Olarte at ating napag-alaman, wala pang, hindi pa sumasang-ayon ang donor, dahil humihingi pa sila ng letter of intent na hihingi ng lupa. Dahil sa ganoon, may pagkakamali din sa description ng lupa, muli nating ibinalik sa Barangay Labangal para maituwid,” ang bahagi ng paglilinaw ni Yumang.

Napag-alaman na mayroon nang inilaan na P8-million na pondo para sa road concreting project ng naturang kalsada sa bahagi ng Makar-National Highway.

Dekada nang nabalam ang proyekto dahil sa nakabinbing isyu sa korte sa pagitan ng iba’t ibang mga land claimants.

Leave a Reply