Listahan ng mga ipinagbabawal na paputok inilabas na

    0
    17

    Inilabas na ng Philippine National Police (PNP) Explosives Management Division ang listahan ng mga ipinagbabawal na paputok, ilang araw bago ang Bagong Taon.

    Kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang mga sumusunod:

    • Watusi
    • Piccolo
    • Poppop
    • Five star
    • Pla-pla
    • Lolo thunder
    • Giant bawang
    • Giant whistlebomb
    • Atomic bomb
    • Atomic triangle
    • Judas belt
    • Goodbye de lima, at
    • Hello columbia.

    Ayon kay PNP-Explosives Division Chief Lt. Col. Kim Cobre, hindi naiiwasan mapalitan ang mga pangalan ng mga ipinagbabawal na paputok kada taon, ngunit kanilang tiniyak na mayroon silang criteria upang malaman kung ang isang paputok ay ilegal.

    Samantala, nagpapaalala naman ni Health Secretary Eric Domingo sa publiko na iwasan ang paggamit ng mga paputok upang hindi na madagdagan pa ang kaso ng firecracker-related injury –ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.