(Kritiko ng Putin’s war sa Ukraine) 39 RUSSIAN OFFICIALS MISTERYOSONG NAMATAY

0
8

UMAABOT sa 39 Russian officials kabilang na ang ilang oligarchs, scientist at military general na sinasabing kritiko ng Putin’s war sa Ukraine ang misteryosong namatay.

Sa nailathalang ulat ng RadarOnline.com, mula noong Pebrero 2022 na nagsimulang giyerahin ang Ukraine sa utos ni Russian Leader Vladimir Putin, aabot na sa 39 opisyal ng Russia ang natagpuang patay sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Ayon sa Daily Star, ang mga namatay na Oligarchs, scientist at military general ay sinasabing misteryosong nag-suicide o kaya aksidente makaraang punahin o batikusin ang 70-anyos na Russian lider dahil sa war in Ukraine.

Kabilang sa mga misteryosong namatay ay si Russian real estate tycoon Sergey Grishin na sinasabing kritiko ni Putin’s military regime habang si Russian scientist na si Andrey Botikov naman na inalipusta ang Russia’s invasion ng Ukraine ay natapuang nakabigti sa loob ng kanyang apartment sa Moscow.

Maging si Russian sausage tycoon Pavel Antov na nagdiwang ng kanyang ika-66 kaarawan ay idineklarang patay matapos mahulog mula sa bintana ng hotel.

Sumunod na natagpuang patay sa India dahil sa heart attack ay ang close associate ni Antov’s na si Vladimir Budanov kung saan may 48 oras pa lamang namatay si Antov.

Sa pahayag ng intelligence official na si Anthony Glees na ang pagkamatay ng mga Russian official ay mga sumasalungkat kay Putin sa Ukraine policies at ang mga opisyal na sinasabing nag-double cross laban sa Russian leader. MHAR BASCO

Leave a Reply