30.6 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Kredibilidad ng kampanya vs. illegal drugs ‘di maaapektuhan sa ‘ninja cops’ issue — Banac

- Advertisement -

Hindi maapektuhan ang kredibilidad ng kampanya kontra iligal na droga ng Philippine National Police (PNP) dahil sa isyu ng ‘ninja cops’.

Ito ang binigyang diin ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac kung saan sinabi nito na makikita naman ng publiko ang kabuuang performance ng PNP.

Aniya, hahayaan na lamang nila ang publiko ang humusga kung tama ba o may pagkukulang ang PNP sa mga hakbang nito upang mawakasan ang patuloy na problema sa illegal drugs.

Dagdag pa ni Banac, wala rin naman problema sa PNP ang mga hindi magagandang pahayag o komento laban sa kanila dahil ginagawa naman nila ang kanilang trabaho.

Una rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan  si PNP Chief Gen. Oscar Albaylde kaugnay pa rin ng isyu ng ‘ninja cops’.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -