Korean actor na si Moon Ji Yoon pumanaw na

0
43

Pumanaw na ang 36 anyos na Korean actor na si Moon Ji Yoon.

Kabilang si Ji Yoon sa mga gumanap sa Korean TV show na “Weightlifting Fairy Kim Book-Joo”.

Ayon sa ulat, acute septicaemia o blood poisoning ang ikinamatay ng aktor.

Una umanong nagtungo sa ospital si Ji Yoon dahil sa nararanasang severe sore throat at inilipat sa ICU matapos lumala ang kondisyon.