30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

Kita ng lungsod ng Baguio bumaba noong nakaraang taon dahil sa National Tax Allotment Cut

- Advertisement -

Baguio City – Inihayag ng City Accounting Office na ang kita ng lokal na gobierno noong nakaraang taon ay bumaba ng 31 porsiento kung ihahambing sa kita sa taong 2022.

Sinabi ni Jennifer T. Bay-an, Accountant IV, na noong taong 2022, ang kita ng lokal na pamahalaan ay nasa P846.1 million kung ihahambing ito sa P581 million noong nakaraang taon na sumasalamin sa makabuluhang pagbaba sa P265 milyong piso.

Ang pagbaba ay itinuturo sa P262 million na bahagi ng lungsod o ang city’s share mula sa National Tax Allotment (NATA) o ang dating Internal Revenue Allotment (IRA), national wealth tax at economic zones.

Nabanggit din ng naturang opisyal na may 16 porsiento ng pagbaba mula sa taong 2022 na nagkakahalaga ng P1.603 bilyong piso kung ihahambing sa nakaraang taon na P1.341 bilyong piso. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: Baguio City Public Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -