Kasunduan ng PRC, PhilHealth nais paimbestigahan ni Sen. De Lima

0
43

Nanawagan si detained Senator Leila De Lima na paimbestigahan ang umano’y conflict of interest ng kapwa senador na si Richard Gordon dahil sa pagpasok nito sa kasunduan sa PhilHealth para sa COVID-19 testing ng Philippine Red Cross na kanyang pinamumunuan.

Ito ang naging panawagan ni De Lima hinggil sa paulit-ulit na isyu ng iregularidad sa PhilHealth.

Pagdidiin pa ni De Lima, bilang isang government owned o pagmamay-ari ng gobyerno ang ahensya, mariing ipinagbabawal ang pagsasagawa ng advancement payment dahil hindi ito sang-ayon sa kasalukuyang batas.

Paliwanag ni De Lima, hindi naman sinuspinde ang mga probisyon ng state auditing code sa ilalim ng Bayanihan To Heal As One Act na mahigpit na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng advance payment nang hindi sinasang-ayunan ng punong ehekutibo.

Sa huli, iginiit ni detained Senator De Lima na dapat mabusisi ang kasunduan ng Philippine Red Cross sa PhilHealth.