Friday, May 3, 2024

Karagdagang baril sa mga sundalo ipinangako ni Duterte

- Advertisement -

Nangako ng karagdagang baril ang Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga sundalo.

Sa kanyang pagbisita sa 8th infantry division ng Philippine Army sa Camp General Lukban sa Catbalogan, Samar, pinuna ng pangulo na tanging mga pulis lamang ang may sidearms at limitado sa M14 at M16 ang baril ng mga sundalo.

Kasabay nito ay mahigpit na nagbilin ang pangulo sa mga sundalo na huwag sumuko sa Abu Sayyaf.

Ayon sa pangulo, hindi kinikilala ng mga bandido ang pagsuko dahil binababoy lamang nila ang kanilang mga bihag at pupugutan rin naman sa kalaunan.

Tinukoy ng pangulo ang pagpugot sa dalawang sundalo na sumuko sa Abu Sayyaf noong unang bisita nya sa Jolo bilang presidente.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img