Kanye West inanunsyong tatakbo bilang US president ngayong 2020

    0
    28

    Tatakbo sa pagkapangulo ang American rapper na si Kanye West na isang bukas na supporter ni US President Donald Trump.

    Ito ang inanunsyo mismo ng rapper sa kanyang Twitter account.

    Ayon kay West, dapat nang mapagtanto sa ngayon ang tinutukoy na pangako sa America sa pamamagitan ng pagtitiwala sa panginoon, pagkakaisa at pagbuo ng kanilang kinabukasan.

    Sinamahan pa ni West ang kanyang tweet ng isang American flag emoji at ng hashtag na #2020VISION.

    Sa ngayon, hindi pa malinaw kung seryoso si West sa kanyang planong pagtakbo sa pagkapangulo ng America, apat na buwan bago ang kanilang eleksyon sa Nobyembre 3.

    Hindi rin matiyak kung nakapagsumite na ng kanyang official papers ang rapper para mapasama sa election ballots.