35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Kanselasyon ng Traslacion suportado ng lokal na pamahalaan ng Maynila

- Advertisement -

Pabor si Manila Mayor Isko Moreno na suspendihin muna ang taunang Traslacion ng Itim na Nazareno ng Quiapo sa susunod na taon.

Ayon kay Yorme Isko, hindi pa rin nawawala ang banta ng COVID-19 at wala pa ring katiyakang mababahaginan ng bakuna ang lahat ng Pilipino pagsapit ng 2021.

Kaya naman mas nanaisin niyang kanselahin muna ang taunang debosyon ng Poong Nazareno kaysa naman isakripisyo ang kalusugan at kaligtasan ng publiko mula sa nasabing virus.

Nasusulat din aniya sa banal na kasulatan na dapat na pag-ingatan din ng tao at mahalin ang kanilang sarili kaya’t ito mana ang dapat pagnilayan sa ngayon ng mga deboto.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -