Kabuuang bilang ng mga COVID-19 cases sa bansa umabot na sa 12,513

    0
    10

    Umakyat na sa 12,513 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

    Ito ay matapos makapagtala ng panibagong 208 kumpirmadong kaso ang Department of Health (DOH), kahapon.

    Nadagdagan naman ng 74 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 dahilan kaya umakyat na sa 2,635 ang kabuuang nakarekober.

    Samantala, 7 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi na mayroon nang kabuuang bilang na 824.

    Ayon sa DOH, naitala ang 83% o katumbas ng 174 na mga bagong kaso sa Metro Manila habang 16% o 33 ang mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.