29.8 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

Joma Sison tumangging mag-sorry sa pagsasabing na-coma ang Pangulo

- Advertisement -

Tinawag ni Communist leader Jose Maria Sison ang Pangulong Rodrigo Duterte na isang butangerong hindi marunong humawak ng kapangyarihan.

Kasunod ito ng banta ng Pangulo na bobombahin niya ang mga rebelde kapag inatake nila ang mga sundalo.

Ayon kay Sison, ipinakikita ng Pangulo na isa siyang brutal at diktador na lider.

Kasabay nito, tumanggi si Sison na mag sorry sa pagsasabing nasa coma ang Pangulo.

Sinabi ni Sison na hindi maituturing na fake news ang kanyang komento dahil ibinase niya ito sa mga nakuha niyang impormasyon sa mga taong malapit sa Pangulo.

Umaasa aniya siya na sa pamamagitan ng kanyang komento ay maglalabas ng medical bulletin ang mga doktor ng Pangulo.

—-

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -