Isang Senior Citizen Na Fully Vaccinated Na Sa Naga Nasawi Sa Covid-19; 2 Mga Sanggol Napasama Sa Mga Tinamaan Ng Virus

0
194

May bago na namang namatay dahil COVID-19 sa Naga City, batay sa inilabas na datus ng kagabi ng City Health Emergency Response Task Force.

Ang bagong namatay na ito ay isang 88 taong gulang na lalaki na taga Barangay San Felipe, siya ay fully vaccinated na. Namatay ito sa isang pribadong ospital sa lungsod.

Samantala, may dalawa namang sanggol na napasama sa nagpositibo na kung saan ang isa sa mga ito ay may mild symptoms at ang isa asymptomatic lamang.

Ang mga ito ay ang isang buwang sanggol na babae ng Bagumbayan Sur at isa naman ay limang buwan na taga Barangay Del Rosario, na nakaranas nga ng mild symptoms.

Bukod sa mga sanggol na ito may anim pang mga minor de edad ang may sakit na mula sa Barangay Cararayan, San Felipe at del Rosario.

May anim ding mga senior citizens pa ang may sakit na konsideradong positibo sa COVID-19.

Sa 78 bagong mga nagpositibong ito sa lungsod, 39 sa mga ito ay mga fully vaccinated na, may 56 na may mild symptoms at 38 naman sa kanila ang nakakuha ng virus sa labas ng bahay.

Patuloy pa rin ang isinasagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga ito, kaya asahan na rin ang patuloy na pagkakaroon ng mga kaso ng COVID-19 dito sa Naga City.

(Source: Bicol News)

Leave a Reply