30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Isang drug den sa Gensan ni-raid ng PDEA-12, 6 Arestado!

- Advertisement -

Isang drug den ang nilusob ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-12 sa pangunguna ni Regional Director Naravy Duguiatan ng ahensya at kasama ang pwersa ng Lagao Police station at San Isdro Police station. Sa pamamagitan ng search warrant ikinasa ang operasyon sa Champaca St. Corner Naranghita St., Barangay Dadiangas South General Santos City alas 10:05 ng gabi noong nakaraang araw.

Tiwala ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-12 na isang malaking tulong sa pamahalaan at publiko ang pagkabuwag ng drug den ng nabanggit na lugar na nagresulta sa pagkaaresto sa anim na drug suspek.Ayon sa pahayag PDEA-12 Regional Director Naravy Duguiatan, na isang high value target ng PDEA at PNP ang grupo ni Chua na nagpapatakbo ng drug den sa GenSan.

Halos umano sa mga kustomer ni Chua ay mga government employee, tricycle driver, security escort ng mga government officials at mga negosyante. Agad namang sasampahan ng kasong paglabag sa section 6, 7, 11 at 12 ng article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kakaharaping ng mga drug suspek.

Una nang kinilala ang mga naaresto na sina Christine Chua alias Mai-Mai, 31- anyos, operator ng drug den; Shirley Lozada, 53-anyos; Charmine Vallinas, 32-anyos, taga Champaca, Brgy Dadiangas South; Galvin Capilitan, 33-anyos, driver, taga Devera St., Brgy. Lagao; Jovert Mendoza, 25-anyos, taga San Pedro Extension, Brgy Lagao. at Ivan Louie Dinopol, taga Jhonny Ang Subd., Brgy Lagao. Nakuha  mula sa mga suspek ang 25 gramo ng suspected shabu na may market value na P170,000 at mga drug paraphernalia.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -