Iriha: Camarines Norte, nakiisa sa International Coastal Clean-Up Drive 2025

0
19

Nakilahok ang libo-libong indibidwal, iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga non-government organizations (NGOs), at mga volunteers sa pagdiriwang ng International Coastal Clean-up (ICC) Day 2025 na ginanap sa baybayin ng Bagasbas Beach, Daet, Camarines Norte nitong Setyembre 20, 2025.

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Presidential Proclamation No. 470, s. 2003, na nagdedeklara sa ikatlong Sabado ng Setyembre bilang International Coastal Clean-up (ICC) Day. Ito ay pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – PENRO Camarines Norte, katuwang ang SM City Daet.

Layunin ng ICC Day na mapanatili at maiwasan ang polusyon na dulot ng mga basurang itinatapon sa karagatan na siyang nagdudulot ng malaking problema sa marine biodiversity at sa ating kapaligiran.

Sa pamamagitan ng paglilinis ng ating mga baybayin, hindi lamang natin pinoprotektahan ang ating mga yamang dagat, kundi pati na rin ang ating kinabukasan.

Source: Camarines Norte PIO

Leave a Reply